Huwebes, Hulyo 7, 2011

P3: Black and White Bead Swap

          Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ang "Polymer Clay People Philippines" o "P3" ng una nitong challenge para sa mga charter members nito, ang "BEAD SWAP".  Layon ng challenge na ito makagawa ang bawat kasali ng sarili nilang beads na gawa sa polymer clay na ang gagamitin lamang na kulay ay "puti at itim".

          Noong una ay nag-aalinlangan pa akong sumali, ngunit sa bandang huli ay nagdesisyon din akong sumali, ika nga "bahala na si batman" hehehe.  Hindi lingid sa aking kaalaman na ang mga lumahok na charter members ay bihasa na sa pagki-clay, kaya sa una pa lamang ay hindi na ako natahimik at walang humpay sa pag-iisip kung anong disenyo ang aking gagawin.


          Aaminin ko na talagang nahirapan ako sa disenyo na aking gagawin, ngunit wala na akong panahon para pagisipan pa ng maigi kung ano ang dapat... sa huli, eto ang nabuo sa aking isip at naisakatuparan ko...




          At sa wakas dumating na ang oras na hinihintay ng lahat ng lumahok sa challenge na ito... ang pagdating ng mga BEADS na gawa ng bawat isa sa amin!




          Bawat isa ay nakabuo ng napakagandang disenyo ng beads... Walang itulak-kabigin.  Kaya naman napakasaya ko at lumahok ako sa naturang challenge.  Marahil, hindi man maipapantay ang nagawa kong beads sa nagawa ng iba, ngunit alam ko sa aking sarili, na ginawa ko ang aking makakaya at masaya ako sa naging resulta ng aking proyekto...


          Hanggang sa susunod na challenge P3!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento